I found this very useful website chronicling the origin of Barangay Sto. Cristo. Although it might have been written some years back, as it stops short of the beginning of the Belmonte Administration, it still provides detailed information on how and where our barangay was created.
Lifted from the Quezon City Public Library WebsiteSTO. CRISTO
Nakalulunos ang kalagayan noon ng mga squatters sa iba’t-ibang dako ng Maynila, lalo na sa Tondo, San Marcelino, Dapitan, Blumentritt, Lealtad. Nang panahong yaon ay nagsisimula pa lamang manungkulan ang yumaong Pangulo Elpidio Quirino noong 1949. Lubos na nadarama ni Pang. Quirino and malungkot at nakakaawa na kalagayan ng mga squatters at ipinalipat niya ang malaking bilang ng mga ito sa nakatiwangwang na mga lupain ng Bago Bantay, Quezon City noong 1950.
Sa simula hanggang sa loob ng pitong taon mahina ang pag-unlad ng Bago Bantay, sanhi ng kakulangan ng mga pangunahing kailangan, gaya ng tubig, ilaw, mga lansangan at sentrong pangkalusugan. Di lamang iyon, and isa pang naging suliranin ni dating Mayor Norberto S. Amoranto ay ang “Peace & Order” situation sa Bago Bantay. Laganap ang labanan ng iba’t-ibang pangkat ng mga masasamang tao. Marami ang harangan at patayan, kaya nga’t maski mga pulis ay takot na sumaklolo o magresponde sa mga ganong pangyayari.
Noong 1960, alinsunod sa bagong carta ng baryo (Republic Act. 2370), ang Quezon City Government ay nagsimulang magtatag ng mga baryo sa lungsod. Ang Bago Bantay ay nagkaroon ng tatlong baryo : Sto. Cristo, Alicia at Magsaysay. Ang Sto. Cristo ay iminungkahing ipangalan ni G. Damaso Barnal, na isang matandang miyembro at tagapayo ng SAMAHANG LABAGOSIL. Naisip niya ito sapagkat maraming magugulong tao ang tila wala nang takot at pag-galang sa Diyos. Inaasahan niyang magbabago ng Konseho ng Lungsod Quezon ang isang City Ordinance No. 61-4718, bilang isang hiwalay ng Barrio Sto. Cristo sa tulong nina Hepe Rollie Villacorte, Edmundo E. Leynes ng “Baryo Government Office.”
Ang mga unang halal na pinuno ng Sangguniang Baryo Sto. Cristo ay sina : Julio Judith bilang Teniente del Barrio, mga Bise- Teniente, sina Ireneo Daet, Conrado P. Baclig, Paz Ortega, Carlos Avelino at Roberto Verdon. Ang mga Barrio Konsehal ay sina : Mario Ordonez, Lucy Perez, E. Regalario at Gg. Putian. Ang populasyon noon ay 5,000.
Nang sumunod na mga halal noong 1965 ay sina G. Alfredo Abella bilang Teniente del Barrio, G. Hilario Valmonte, Pedro Navarro,Jr., Gg. Telesfora Asoy, G. Carlos Avelino, Galicano Singson, mga Konsehal ng Barrio, si Gng. Virginia Baclig ay nahirang na Kalihim at Gng. Angelita Castro bilang Ingat-Yamat ng Barrio.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Teniente del Barrio Abella nagsimula ang pagtatayo ng “Multi-Purpose Barrio Hall”, bagamat ito ay kulang sa kayarian. Sa di inaasahang pagkamatay ni Teniente Abella noong 1969, pinaupo sa tungkulin si Hilario Valmonte, bilang kahaliling Teniente del Barrio. Sa taong ding ito nadestino si Padre Miguel Nuguid sa simbahan ng Sto. Nino sa buong Bago Bantay. Malaki ang naitulong niya sa katahimikan at kapayapaan ng mga naninirahan. Inakit niya ang mga tao na mag-mahal sa kapwa, makipagtulungan sa isa’t-isa at maging mabuting tagasunod sa Diyos. Ang proyektong pagpapatayo ng Barrio Hall ay ipinagpatuloy ni G. Hilario Valmonte. Bukod dito’y nakapagpagawa siya ng mga artesian wells at naipaispalto niya ang Fort Santiago Street. Sa kanyang mabuting pamamahala ay unti-unting nasugpo ang mga gawain ng masasamang tao sa Barrio. Nang magkaroon ng halalan noong ika-9 ng Enero 1972 ng pinangangasiwaan ni G. Leynes, ay si G. Navarro, Jr. ang nahalal na Teniente del Barrio na tuloy na naging Barrio Kapitan bilang pagsunod sa Bagong Barrio Charter (RA No. 3590). Ang mga nna Konsehal ay sina: Conrado Baclig, Angelita Barnardo, Ireneo Daet, S. Ambrosio Martin at David Benavidez. Nahirang na kalihim ay si Virginia Baclig at Ingat-Yaman si Rustico Songcog.
Nang iproklama ang Martial Law noong September 21, 1972, ang Kapitan ay tinawag na Barangay Captain, mga Baryo Konsehal ay Barangay Councilmen o Kagawad, Kalihim ng Barrio sa Barangay Secretary o Kalihim, Ingat-Yaman o Bangay Treasurer, at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay bisa ng Presidnetial Decree No. 557. Nang isaayos ni dating Mayor Amoranto noong 1975 ang lahat na mga barangay sa Quezon City, alinsunod sa PD No. 86 at PD No. 86-A at ang dating mga baryo ay naging barangay sang-ayon din sa PD No. 557. Nagkaroon din ng pagbabago ang hangganan o boundaries ng mga barangay. Ipinadala ni Mayor Amoranto noong December 9, 1975 kay Jose Rono, at kinumpirmahan niya bilang Kalihim ng Dept. pf Local Government and Community Development ang Executive Order No. 25 to 36 noong February 6, 1976. Ang kaunting pagbabago sa boundary ng Barangay Sto. Cristo ay ang mga sumusunod : On the North-Culiat River, East-Palawan St., extending towards boundaryline; South-EDSA and North Ave., and West-Samar St. up to Culiat Creek.
Noong Mayo 17, 1982 ay nagkaroon ng halalan ang mga barangay at dito’y muling nahalal na Punong Barangay si G. Pedro Navarro, Jr., at kasama niyang nahalal bilang mga Kagawad sina Conrado Baclig, Celedonio Escano, Jr. Alicia Saludez, Florentino Tan, Eduardo Barnabe at Ireneo Daet. Muling nahirang na Kalihim si Virginia Daet at Alicia Valerio bilang Ingat-Yaman. Hanggang sa dumating ang “EDSA Revolution” noong February 25, 1986 at si Bgy. Capt. Pedro Navarro, Jr. ay inalis sa tungkulin at ang ipinalit sa kanya ay si Dr. Enrique Dela Rosa, bilang OIC-Bgy. Capt. di naman nagtagal, umalis si Dr. Dela Rosa papuntang America. Ang humalili ay si Kagawad Conrado Baclig, bilang OIC-Bgy. Capt. at hinirang sina Rudy Asoy, Pablo Garcia at Bartolome Saludez bilang mga kagawad. Dahil sa kasipagan ay nagkasakit si Kagawad Ireneo Daet at namatay siya sa pagtupad sa tungkulin, noong Enero 31, 1988.
Dumating ang halalan ng barangay noong March 28, 1989, kung saan ang lahat ng kandidato ay pawing mga kagawad at walang Kapitan. Ang nanguna sa nasabing halalan ay si Florentino Tan, kung kaya’t siya ang naproklamang Barangay Captain. Ang mga kasama niyang nahalal ay sina Rudy Ubales, Conrado Baclig, Bartolome Saludez, Ben Valerio, Pablo Garcia at Isidro Perez. Nang tumulak patungong America si Kapitan Tan noong October 12, 1992 ay gumanap bilang Bgy. Capt. Si Rudy Ubales. Hingi nagtagal at nag-resign si Kapitan Tan at nanumpa bilang bagong Bgy.Capt. si Rudy Ubales noong May 10, 1993. Maraming nagawa at marami pang ibang binalak na isakatuparan ang pinagtutulungan ng buong Konseho sa Barangay sa masigasig na pamumuno ni Kapitan Ubales sa ngayon. Ang pag-seminar ng mga naninirahan sa barangay sa “Cooperative” project. Sa katahimikan naman ay nabawasan naang mga nakawan at gumanda na ang kalagayan ng katahimikan ngayon sa Sto. Cristo at maunlad na adminstrasyon ni Mayor Ismael Mathay, Jr. Sa pagtatagumpay ng lahat ng ito ay dahil sa mga “civic organization” na tumutulong sa pag-unlad ng katahimikan tulad ng Palawan-Romblon Organization “87 (PRO ’87), ang sariling sikap at “Lakas Damayan ng Iloilo corner Pampanga Sts.” Lalo na ang mga regular at volunteer BSDO’s. Kaya’t ang lahat ng pagbabago ay tanda ng mga residente ng Barangay na may disiplina at pagkakaisa tungo sa ikauunlad ng Barangay Sto. Cristo"
to read more on the history of Quezon City and the Quezon City barangays, you can check the Quezon City Public Library website, or click here.
On a side note: the incumbent Sangguniang Barangay of Brgy.Sto Cristo:
(as elected in the synchronized Barangay and SK elections last October 2007)
Bgy Capt. Rizaldy C. Nepomuceno
Kgd. Rodolfo M. Ubales Jr.
Kgd. Edwin I. Alcantara
Kgd. Joseph Vincent M. Cruz
Kgd. Marilou C. Baclig
Kgd. Bienvenido V. Valerio
Kgd. Antonio B. Panlilio
Kgd. June N. Gallanosa
SK Chairman Reymark John C. Navarro